Laman ng huling SONA ni Pangulong Duterte, isinasapinal na – Malakanyang
Nasa final stage na ang paghahanda sa magiging laman ng huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hands on ang Pangulo sa editing ng kanyang SONA speech.
Ayon kay Roque,magkakaroon ng rehearsal ang Pangulo sa Malakanyang kung papaano niya idideliver ang kanyang huling SONA.
Inihayag ni Roque sa unang bahagi ng SONA speech ng Pangulo ay pagbabalik tanaw sa limang taong panunungkulan kung ano ang nagawa sa mga dapat gawin para sa ikauunlad ng bansa lalo na ang may kinalaman sa paglaban sa ilegal na droga, kriminalidad, kurapsyon at infrastructure sa pamamagitan ng build build build program.
Tiniyak ni Roque, babanggitin ng Pangulo ang sitwasyon ng bansa ngayong kasalukuyang tumatawid sa pandemya ng COVID 19 lalo na ang epekto nito sa buhay at kabuhayan.
Hindi naman matiyak ni Roque kung makakadalo ang mga dating Presidente ng bansa na sina Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo dahil sa mga ipinatutupad na restriction sa mga senior citizens.
Niliwanag ni Roque ang invitation sa dadalo sa huling SONA ng Pangulo ay nasa pagpapasiya ng Kongreso at Presidential Security Group dahil sa mga ipatutupad na health protocol dulot ng pandemya ng COVID 19 lalo na at nakapasok na sa bansa ang kinatatakutang Delta variant.
Vic Somintac