Lanao del Sur, inilagay sa state of calamity dahil sa pag-atake ng ASG at Maute group

Isinailalim sa  state of calamity ang bayan ng Piagapo, Lanao del Sur.

Batay ito sa direktibang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na pulbusin ang Abu Sayyaf Group (ASG) at Maute Group na nakasagupa ng militar sa bayan ng Piagapo at Balindong sa nasabing probinsya.

Ayon kay Piagapo Mayor Ali Sumandar  sa kanilang bayan lamang ay naitala ang mahigit 400 pamilya na inilikas mula sa apat na barangay dahil sa pag-atake ng militar sa mga terorista.

Naitala rin ang pagkasira ng apat na bahay matapos tamaan ng mga inihulog na bomba ng militar sa lokasyon ng mga terorista.

Tiniyak naman ni Tabak 1st Division, Philippine Army Spokesman Lt. Col. Jo-ar Herrera na hindi na makakawala sa kanilang opensiba ang grupo ng ASG at Maute.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *