Land-based tourist attractions sa mga apektadong lugar ng oil spill, bukas pa rin
Nananatiling bukas ang land- based tourism spots at establishments sa mga apektadong munisipalidad sa Oriental Mindoro.
Ito ang nilinaw ni DOT MIMAROPA Regional Director Azucena Pallugna sa harap ng oil spill na nakaapekto na sa 61 tourist sites sa probinsya.
Ayon kay Pallugna, tanging ang water-based tourism activities ang sinuspinde sa lalawigan.
Marami pa rin naman aniyang tourist attractions ang bukas sa Oriental Mindoro kaya optimistiko pa rin ang marami sa tourism stakeholders sa lugar.
Sinabi pa ng opisyal na open for business pa rin ang Puerto Galera.
Wala aniyang kanselasyon at sa halip ay tuluy-tuloy ang tourism activities sa Puerto Galera.
Tiniyak din aniya ng lokal na pamahalaan ng Puerto Galera na naghahanda ito sa posibilidad ng pag-abot doon ng oil spill.
Aminado si Tourism Secretary Christina Frasco na nangangamba ang DOT sa posibleng epekto sa turismo ng mga tumagas na langis.
Pero siniguro ng kalihim na handang tumulong ang DOT sa lahat ng apektadong establisyimento at manggagawa sa tourism sectors.
Moira Encina