Langis tumatagas na mula sa lumubog na tanker – PCG

The coast guard has warned that if the entire cargo leaked it would be an 'environmental catastrophe' and the worst oil spill in the Philippine history © Jam Sta Rosa / AFP

Nagsimula nang tumagas sa Manila Bay ang 1.4 milyong litro ng industrial fuel na nasa loob ng lumubog na Philippine tanker, habang nagkukumahog ang mga kinauukulan na maiwasan ang isang ‘environmental catastrophe.’

Ang MT Terra Nova ay lumubog dahil sa masamang lagay ng panahon sa Maynila noong Huwebes, na ikinamatay ng isang tripulante.

Mahigit triple na ang laki ng oil slick at ngayon ay tinatayang umaabot na ng 12-14 kilometro (7.5-8.7 milya) sa buong Manila bay, na pinagkukunan ng kabuhayan ng libu-libong mga mangingisda at tourism operators.

Sinabi ni coast guard spokesman Rear Admiral Armado Balilo, “Divers inspected the hull of the vessel on Saturday and saw a ‘minimal leak’ from the valves, it was ‘not alarming yet.’ It’s just a small volume flowing out, the tanks are intact.”

Aniya, “We’re hoping that tomorrow we will be able to start syphoning the oil from the motor tanker. The ship that will carry the recovered oil is on its way to the area.”

Nagbabala ang coast guard na kung ang buong kargamento ay tumagas, ito ay isang “environmental catastrophe.”

Nauna na nitong sinabi na ang tumagas na langis mula sa tanker ay tila ang diesel fuel na ginamit sa pagpapaandar ng sasakyang-dagat, na nasa sea floor sa ilalim ng 34 metro (116 talampakan) ng tubig.

Sa ngayon ay ipinalalagay ng coast guard na ang slick ay magkahalong diesel at industrial fuel oil.

Naglagay na ng oil containment booms para sa sinabi ni Balilo na maaaring maging “worst case scenario” sakaling tumagas ang kargang langis ng tanker.

Tatlong coast guard vessels na rin ang nagpakalat ng dispersants sa langis.

Ipinanawagan na ni Balilo ang pansamantalang pagtigil ng pangingisda sa Manila Bay upang maiwasan na ang mga tao ay makakain ng “kontaminadong isda.”

Lumubog ang barko ng halos pitong kilometro mula sa pinanggalingan nito sa daungan ng Limay kanluran ng Maynila. Sinusubukan nitong bumalik sa daungan pagkatapos na makasagupa ang masamang lagay ng panahon nang mangyari ang insidente.

Labing-anim sa 17 crew members ang nailigtas mula sa tanker, na ayon sa vessel tracking website na vesselfinder.com ay 65-metro ang haba at binuo noong 2002.

Nangyari ang insidente habang nananalasa ang malakas na mga pag-ulan dulot ng Bagyong Carina (na may international name na Gaemi) at seasonal monsoon sa Maynila at nakapaligid na mga rehiyon.

Sinabi ng PAGASA, na ang monsoon ay humina na nitong Biyernes ng gabi, kaya’t nagkaroon na ng kalmadong karagatan at ang mga awtoridad ay nabigyan ng pagkakataong marekober ang cargo.

Sa pagtaya ng coast guard, aabutin ng hindi bababa sa pitong araw upang makuha ang karga ng tanker.

Nakipagpulong na ito sa mga kinatawan ng may-ari ng MT Terra Nova at isang kinontratang salvage company nitong Biyernes para pag-usapan ang timeline.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *