Lapu-Lapu city, Davao Oriental at Surigao del Norte, niyanig ng lindol

Niyanig  ng magnitude 3.1 na lindol ang Lapu-Lapu city sa Cebu kaninang  umaga.

Naganap ang lindol sa 11 kilometers south ng lunsod alas- 8:03 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs , dahil sa nasabing lindol, naitala ang intensity 3  sa Cebu city at Mandaue city.

May lalim na 32 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.

Samantala, niyanig din ng magnitude 3.0 na lindol ang Davao Occidental at Surigao del Norte.

Unang naitala ang lindol sa layong 244 kilometro silangan ng Sarangani, Davao Occidental, alas 3:50  ng madaling araw.

May lalim ang pagyanig na tatlong kilometro.

Alas 4:17 naman nang maitala ang lindol sa layong 31 kilometro kanluran ng bayan ng Burgos sa Surigao del Norte.

May lalim naman itong 12 kilometro.

Kapwa tectonic ang dahilan ng mga pagyanig.

Hindi naman inaasahan ang mga aftershocks at pagkasira sa mga ari-arian.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *