Laro ng Pacers at Suns, ipinagpaliban ng NBA
LOS ANGELES, United States (AFP) – Ipinagpaliban ng NBA ang laro sa Arizona ngayong weekend sa pagitan ng Indiana Pacers at Phoenix Suns, bunsod ng coronavirus concerns na patuloy na nagiging sanhi ng pagkaantala ng mga laro ng liga.
Sa lumabas na pahayag ng NBA, ang laro bukas, Sabado na gaganapin sa Phoenix Suns Arena ay ipinagpaliban muna bilang pagsunod sa health at safety protocols ng liga.
Ang laro ay ipinostpone dahil kakaunti na lamang ang natirang manlalaro ng Suns, matapos ang isinagawang contact tracing sa organisasyon.
Ang liga ay nagpaliban na ng maraming mga laro ngayong linggo, dahil sa COVID-19 pandemic.
Noong Miyerkoles, ay ipinagpaliban ang laro sa pagitan ng Washington sa Detroit at Golden State sa Phoenix, na gaganapin sana ngayong araw (Biyernes).
Tatlo pang set ng contests na gaganapin sana ng Miyerkoles, ang ipinagpaliban din. Kabilang dito ang laban ng Phoenix at Atlanta Hawks.
Sampung laro na rin ang tinanggal ngayong season na nasa ika-apat na linggo na.
Nitong Martes, ay nag-update ang liga at ang players union sa COVID-19 health and safety protocols, sa layuning mapanatiling malusog at makapaglalaro ang kanilang players.
Batay sa pahayag ng NBA, ang bagong panuntunan ay ipinatupad bilang tugon sa pagdami ng kasi ng COVID-19 sa magkabilang panig ng Estados Unidos, at pagdami rin ng NBA teams na isinasailalim sa quarantine ang kanilang mga manlalarong maaaring naapektuhan ng sakit.
Nitong Miyerkoles ay ipinalabas ng liga ang pinakahuli nilang COVID-19 test figures, at sinabing 497 players na ang na-test mula noong January 6, kung saan 16 ang nagpositibo.
Sa susunod na dalawang linggo, ang mga manlalaro at staff ng mga team ay kinakailangang manatili sa kanilang bahay sa lahat ng oras, maliban kung dadalo ng team-related activities, mag-e-ehersisyo o may gagawing importanteng mga aktibidad.
© Agence France-Presse