Laro ng Wizards sa Charlotte, ipinagpaliban dahil sa virus
NEW YORK, United States (AFP) – Ipinagpaliban ang laro ng Washington Wizards na gaganapin sana bukas, Miyerkoles sa Charlotte, matapos magpositibo sa COVID-19 ang anim na manlalaro ayon sa NBA.
Ito na ang ika-limang Wizards game na sunod-sunod na na-postpone sa loob ng walong araw, dahil hindi kumpleto ang kinakailangan minimum na walong manlalaro, sa ilalim ng NBA health and safety protocols.
Ang laro ng Hornets at Wizards ay ika-15 na sa na-postpone mula nang ilunsad ang NBA campaign isang buwan na ang nakalilipas, ito rin ang ika-14 sa loob ng 11-araw mula January 10.
Ang susunod na schedule ng laro ng Washington ay sa Biyernes, sa home court ng Milwaukee.
Ang Wizards sana ang host sa laro nito laban sa Cleveland nitong Linggo at Lunes. Na-postpone din ang laro ng Wizards laban sa Utah noong Miyerkoles ng at laban sa Detroit noong Biyernes, ng nakalipas na linggo.
Ayon sa coach ng Wizards na si Scoot Brooks, namamalagi ang kaniyang kumpiyansa sa plano ng NBA na ang mga laro ay gawin sa home arenas sa halip na sa bubble atmosphere, gaya ng nangyari sa nakalipas na season matapos magkaroon ng COVID-19 break.
Sinabi pa ni Brooks . . . “We knew going into it there were going to be some bumps in the road. We’ve got to keep navigating. It has definitely been some difficult days for us but we’re going to have to continue to work together and move on.”
© Agence France-Presse