Las Piñas, may pa-raffle na bahay, motorsiklo at groceries sa mga magpapabakuna
Maaring manalo ng bagong house and lot, motorsiklo at groceries ang sinumang naturukan ng COVID-19 vaccine sa Las piñas.
Bahagi ito ng programa ng Las piñas na May Bahay sa Bakuna: Bakunado Ka Na, May Bahay ka Pa na layong mahikayat ang mga residente na magpabakuna na.
Ayon kay Las piñas Congresswoman Camille Villar, ginawa ito para paspasan ang vaccination roll out para unti unti nang mabuksan ang ekonomiya.
Ang mga senador walang nakikitang masama sa ganitong inisyatibo.
Ayon kay Senator Francis Tolentino, wala ring nalalabag na batas dahil wala namang sangkot na pondo ng gobyerno na ipapamahagi sa mga constituents.
Nais lang aniya ng Kongresista na itaas ang awareness ng publiko at mahikayat ang mas maraming residente na lumahok sa vaccination roll out.
Pabor si Senador Bong Go sa iba’t ibang style na ginagawa ng mga local government units para mapalakas ang kanilang kampanya sa bakuna.
Tulad aniya sa Estados Unidos may mga iniaalok na incentives para sa mamamayan nilang natatakot pa ring magpabakuna.
Aminado ang Senador na batay sa kaniyang mga pag-iikot, mayorya ng mga pilipino takot pa ring magpaturok ng COVID vaccine dahil sa mga maling interpretaayon at report hinggil sa bakuna
Sinusuportahan rin ni Senator Ping Lacson ang lahat ng legal na hakbang para mahikayat ang lahat ng pilipino.
Mahalaga aniya ang mga ganitong inisyatibo para makamit ng bansa ang herd immunity at tuluyan nang mabuksan ang ekonomiya.
Meanne Corvera