Lascañas, humingi ng paumanhin sa Senado dahil sa ginawang pagbaligtad sa isyu ng DDS
Humingi ng paumanhin sa Senado si SPO3 Arturo Lascanas sa ginawa niyang pagbaligtad at pagsisinungaling sa kaniyang naunang testimonya kaugnay ng imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay na may kinalaman sa Davao Death Squad.
Itinuro pa ni Lascanas si retired SPO4 Sonny Buenaventura, isa sa mga umano’y mapagkakatiwalaang security aide ni noo’y Mayor at ngayo’y si Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y pumilt sa kanya para pabulaanan ang mga testimonya ni Edgar Matobato.
Ginawa niya ito dahil sa takot para sa kaligtasan ng kaniyang pamilya.
Katunayan, pinayuhan pa siya ni Buenaventura at ng kasamahang si Superintendent Antonio Rivera na huwag nang humarap sa pagdinig noong October 3, 2016 pero napilitan siya sa pangambang ipaaresto ng Senado.
“First, I’d like to ask for an apology and understanding of what I had said when I was invited this honorable committee When we were here, my companions and my core group, especially retired SP04 Sonny Buenaventura… and the rest were with me. And Superintendent Antonio Rivera advised me not to attend the hearing”. – SPO3 Lascañas
Pero pinayuhan si Lascanas ni Senador Panfilo Lacson na maglabas ito ng kaniyang ebidensya.
Kung ang layunin ng kaniyang pagbubunyag sa mga kaso ng extra judicial killings ay mapapanagot sa ilalim ng batas si Pangulong Duterte at iba pang idinadawit sa kaso, dapat itong magsumite ng ebidensya para suportahan ang kaniyang alegasyon laban sa Pangulo.
Ulat ni: Mean Corvera