Lascañas, posibleng maharap sa perjury

arturo

 

Posibleng maharap sa kasong perjury ang bumaligtad na si SPO3 Arturo Lascanas sa ginawa nitong pag-amin na may umiiral na Davao Death Squad na pumapatay ng mga sangkot sa illegal drugs at iba pang krimen.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, under oath o nanumpa na noon sa Senate Committee on Justice si Lascanas na magsasabi ng katotohanan.

Sa kaniyang testimonya noong nakaraang taon itinanggi ni Lascanas ang mga paratang ni Edgar Matobato hinggil sa mga alegasyon ng pagpatay.

“Makakasuhan siya definitely. Hindi naman pwedeng magkaibang statements mo parehong totoo. Parehong under oath”. -Lacson

Una rito, inaprubahan na ng plenaryo ng Senado ang mosyon ni Senador Antonio Trillanes na maimbestigahan ang mga ibinunyag ni Lascanas hinggil sa pag-iral ng Davao Death Squad o DDS.

Pero wala pang itinakdang petsa ang komite ni Lacson kung kailan bubuksan ang imbestigasyon dahil kailangan pang  impormahan ang chairman ng Justice Committee na si Senador Richard Gordon na siyang naunang nag imbestiga sa alegasyon ng DDS.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: