Lava flow sa Mayon Volcano umabot na sa 800-1,000 metro-PHIVOLCS

Courtesy: PHIVOLCS-DOST

Umabot na sa layong 800 hanggang 1000 metro ang lava flow mula sa summit ng Mayon Volcano sa dalislis sa bahagi ng Miisi at Bonga Gullies.

Ipinakita ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang kuhang larawan mula sa Mayon Volcano Observatory sa pagitan ng alas-10:56 ng gabi nitong Lunes, June 12 hanggang alas-12:03 ng madaling araw ngayong Martes, June 13.

Nananatili pa rin sa alert level 3 ang paligid ng Bulkang Mayon dahil sa patuloy na magmatic unrest ng bulkan.

Sa nakalipas na 24-oras, iniulat ng PHIVOLCS na naitala ang 221 rockfall events at isang volcanic earthquake sa Mayon.

Nagbuga rin ito ng nasa 723 tonelada ng sulfur dioxide at patuloy ang pamamaga,

Patuloy pa ring ibinabawal ang paglipad ng mga eroplano malapit sa summit ng bulkan.

7-kilometer extended danger zone itinaas sa paligid ng Mayon

Samantala, in-extend na ng lokal na pamahalaan ng Albay sa pitong kilometro ang ipinai-iral na danger zone.

Courtesy: PHIVOLCS-DOST

Sa kautusan ni Albay Governor Edcel Greco Lagman, pinaghahanda na ang lahat ng residente sa loob ng seven-kilometer extended danger zone para sa posibleng paglilikas.

Ginawa ang hakbang para tiyakin ang zero casualties at para sa kaligtasan ng publiko.

Inalerto rin ng provincial government ang mga City at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (C/MDRRMO) at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMO) para sa agarang implementasyon ng evacuation kung kinakailangan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *