Lava flow, volcanic earthquake, rockfall events, namonitor sa Mayon sa nakalipas na 24 oras: PHIVOLCS

Photo: DOST-PHIVOLCS

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), na patuloy na nagpapakita ng intensified unrest ang Bulkang Mayon, na may napakabagal na pagbuga ng lava flow at lava collapse na natagpuan sa loob ng 3.3 kilometro mula sa crater nito.

Ayon sa PHIVOLCS, ang lava flow ay may maximum length na 1.5 kilometers at ang lava collapse ay nakita sa Mi-isi at Bonga gullies.

Dalawang volcanic earthquakes, 280 rockfall events, at siyam na pyroclastic density current events ang namonitor din.

Ang Sulfur dioxide flux naman ay 978 tonelada bawat araw.

Namonitor din ng PHIVOLCS ang isang 100-meter-tall plume.

Patuloy ang paalala ng PHIVOLCS sa publiko na bawal ang pagpasok sa six-kilometer Permanent Danger Zone, maging ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan ay ipinagbabawal din.

Namamalagi pa rin ang Mayon sa alert level 3.

Una rito, ang Albay, kung saan matatagpuan ang bulkan ay isinailalim sa isang state of calamity dahil sa posibleng “mapaminsalang pagputok” ng Mayon.

Samantala, halos 20,000 mga residente na ang nailikas sa ngayon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *