Layunin ni Senador Panfilo Lacson sa pagbubunyag ng umano’y pork insertions sa National Budget, pinagdudahan
Posibleng ‘nakuryente’ lamang o iba ang layunin o pakay ni Senador Panfilo Lacson sa pagbubunyag nito na may mga pork insertions sa 2020 National budget.
Ito ang naging pahayag ni Cavite 7th District Representative Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.
Ayon kay Remulla, kung nag-aambisyon mang tumakbo ni Senador Lacson bilang Pangulo ay huwag namang gawing masama ang imahe ng mga mambabatas at kung ano-ano ang ginagawang papansin sa taumbayan.
Hindi aniya nila deserve ang paratang na ito ni senador Lacson sa Kamara dahil sinikap nilang matapos ang national budget sa lalung madaling panahon.
Gayunman, hinimok pa rin ni Cong.Remulla si Senador Lacson at ang sinasabi nito na kaniyang mga reliable sources na welcome pa rin silang busisiin at silipin ang umano’y pagsingit sa pambansang pondo na hindi naaayon sa batas.
“Sobrang galing naman niya kung ganun siya….baka naman yung tenga nya ay nakataas sa lahat ng lugar sa Pilipinas. Malayo po ang kaniyang sinasabi sa katotohanan. Ang House of Representatives ay hindi dapat inaaway ng Senado. Dahil kami po ay tinapos namin ang trabaho namin, we work very hard, kami ay nagpuyat at nagbanat ng buto at unfair naman kung kami ay lalagyan ng mga tags na may ginagawa kaming hindi mabuti sa taumbayan”.