League of Parents of the Philippines, nanawagan na maibalik sa bansa si Joma Sison
Umapila ang League of Parents of the Philippines sa Embahada ng The Netherlands na pakinggan naman ang kanilang mga panawagan na ibalik na sa bansa si CPP-NPA-NDF founder Joma Sison.
Ayon kay Remy Rosadio, chairperson ng League of Parents of the Philippines, ito na ang kanilang ika labing isang araw ng pagsasagawa ng protesta sa harap ng Embahada.
Pero labis aniyang nakakadismaya na hanggang ngayon ay wala silang natatanggap na sagot man lang.
Bago naman tuluyang tapusin ang kanilang protesta ay sinunog naman nila ang larawan ni Sison.
Giit ng mga ito hindi umano sila titigil sa pagbalik at pagprotesta sa harap ng embahada hanggat hindi naibabalik sa bansa si Sison.
Kasabay nito sinabi ni Rosadio na katuwang ang ibang magulang hindi sila magsasawa sa paglulunsad ng mga aktibidad laban sa mga front organization ng New Peoples Army para sa kapakanan ng kanilang mga anak.
Ayon kay Rosadio isa ang kanyang anak sa mga sinubukang irecruit habang nag aaral ito sa isang Unibersidad sa Maynila maswerte na lang aniya at hindi sumali rito ang kanyang anak.
Ulat ni Madz Moratillo