Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy sa pagbaba
Tuluy-tuloy pa rin ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam.
Ayon kay Jason Bausa ng Pag-Asa Hydrometeorology division, nasa 162.39 meters ang water level ng Angat dam kaninang alas-sais ng umaga.
Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.54 meters ngayong araw, ang Ipo dam ay nasa 100.73 meters, habang tumaas naman ng .02 meters ang water level ng Ambuklao dam na nasa 741.52 meters.
Ang Binga dam naman ay bumaba ng .04 meters sa loob ng 24 oras na nasa 567.48 meters ngayong araw habang ang San Roque dam ay nasa 237.26 meters ang water level, bumaba rin ito ng .19 millimeters.
Tummas naman ng .01 ang Pantabangan dam na nasa 192.97 meters habang ang Magat dam ay nasa 184.47 meters.
Paliwanag ni Bausa, hindi pa rin sumasapat ang mga pag-ulan upang madagdagan ang tubig sa dam kaya asahan na rin ang rotational water interruption.
At kung tag-ulan naman ay maghihintay pa ng isang linggo bago tuluyang madagdagan ang tubig sa Angat dam.
“Base kasi sa history namin, nung tiningnan ko yung pagdeclare ng rainy season, ay more than one week pa bago mag-accumulate ng tubig yung mga dams natin dahil siguro hindi siya bumabagsak sa pinaka-basin ng Angat kaya may ganung delay”.