Lee Min Ho bagong mukha ng Fendi Korea

South Korean actor Lee Min-ho arrives for the premiere of “Patchinko” at the Academy Museum in Los Angeles, California on March 16, 2022. 
VALERIE MACON / AFP

Ang kilalang Korean actor sa buong mundo na si Lee Min-ho ay inanunsiyo bilang bagong brand ambassador ng Fendi sa South Korea.

Sa opisyal na pahayag na ipinadala ng fashion house, ibinahagi ng Korean actor ang kanyang excitement na maging kinatawan ng prestihiyosong Italian brand.

Ayon kay Lee Min-ho . . . “I am very honored to be a part of the Fendi family as an ambassador, a Maison that to me is rich in heritage as well as creativity. I look forward to an exciting adventure with the house.”

Sa opisyal na visual accompaniment na ipinadala ng Fendi ay tampok si Lee Min-ho, suot ang ensemble mula sa Fendi Men’s Spring/Summer 2022 collection — isang kamiseta na ipinares sa pantalon, at pinatungan ng Black Jacquard Blazer na may Fendi Earth motif, at sinamahan ng iconic na Peekaboo ISeeU brand medium bag ng kompanya.

Unang sumikat sa buong mundo sa pamamagitan ng kaniyang hit series na “Boys Over Flowers” noong 2009, si Lee Min-ho ay naging isa na sa mga Korean actor na hinahangaan at minamahal ng buong mundo.

Bukod sa pagiging bahagi ng Fendi stint, ang aktor ay tampok din sa paparating na Apple TV Plus series na “Pachinko” na nakatakdang ilabas sa buong mundo sa March 25.

Ang drama ay tungkol sa kuwento ng isang pamilya ng Korean immigrant sa apat na henerasyon, na umalis sa South Korea para mabuhay.

Ang istorya ay mag-uumpisa sa mga unang bahagi ng 1900s, at ikukuwento sa pamamagitan ng naging karanasan ni Sunja (na gagampanan ni Youn Yuh-jung, Kim Minha at Jeon Yu-na), na napagtagumpayan ang lahat ng hadlang.

Sa “Pachinko,” si Lee Min-ho ay gaganap bilang si Hansu.

Sa isang panayam sa idinaos na global premiere event ng serye sa Los Angeles, California ay sinabi ni Lee Min-Ho . . . “’Pachinko’ has emotions that transcend borders, languages and generations, so I’m pretty sure everyone can feel those emotions and relate to them. We now live in a global community without any silos so we can easily share our story amongst each other and that’s why I think a lot of the once-neglected people are under light.”

Please follow and like us: