Legal assistance ng PAO para sa mga arestadong NBI jail guards, hiniling ng DOJ

Hihilingin ng Department of Justice (DOJ) sa Public Attorneys Office (PAO) na i-rekonsidera ang desisyon nito na huwag bigyan ng legal assistance ang anim na jail guards ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa isyu ng conflict of interest.

Ang mga nasabing security personnel ay inaresto ng NBI agents kasama ng detainee na si Jad Dera makaraang makapaglabas-masok ng NBI detention.

Sinabi ni DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano na nahirapan na kuhanan ng salaysay ang anim na guwardiya dahil tumanggi ang PAO na alalayan ang mga ito.

May inilabas aniyang kautusan ang PAO ukol sa conflict of interest kasunod ng recantation ng mga akusado sa Degamo killing.

Sinabi ni Clavano na sa direktiba ng PAO ay hindi na sila aalalay sa pagkuha ng extrajudicial confessions ng mga respondent.

Ini-refer ng PAO ang kaso sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) pero ibinalik din dahil kailangan nila ng sertipikasyon mula sa PAO.

Ang pribadong abogado ni Dera muna ang nag-assist sa mga ito sa inquest proceedings sa DOJ noong Huwebes.

Ayon kay Clavano, cooperative naman sa imbestigasyon ang anim na security personnel kaya kailangan ng mga ito ng abogado para makunan ang mga ito ng salaysay.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *