Legal Education Summit ikinasa ng Korte Suprema sa Hulyo
Nakatakdang magsagawa ng Legal Education Summit ang Korte Suprema na layuning mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa mga Law schools sa bansa.
Kaugnay nito, lumikha ang Supreme Court ng organizing committee para sa 2019 Legal Education Summit na planong isagawa sa Hulyo.
Sa dalawang pahinang Memorandum Order, itinalaga ng SC si Associate Justice Alexander Gesmundo bilang chairperson ng komite.
Makakatuwang naman niya si UP College of Law Dean Fides Cordero-Tan na Vice-Chairperson.
Consultants naman sina SC Associate Justice Marvic Leonen, retired SC Associate Justice Arturo Brion, at Atty. Carolyn Mercado The Asia Foundation
Isa sa mga trabaho ng Organizing Committee ay konsultahin ang mga stakeholders sa ibat ibang rehiyon sa bansa para madetermina ang mga problema sa legal education sa bansa.
Ilan sa mga solusyon na ipinakakonsidera ay ang updating sa basic law curriculum at adopting ng best practices para maging practice-ready lawyers ang mga law students.
Ang unang leg ng regional consultation ay ngayong April 29 sa Angeles University Foundation sa Angeles City, Pampanga.
Ang iba pang regional consultation ay panukalang isagawa sa May 16, 2019 sa Baguio City; May 21 sa Cagayan de Oro City; May 23 sa Davao City; May 28 sa Naga City; May 30 sa Cebu City; at June 3, 2019 sa Maynila.
Ulat ni Moira Encina