Legal implication sa soberenya ng bansa sa Sabah claim pag-uusapan ng DFA, DND, at DOJ
Pinakikilos ni Senador Francis Tolentino ang Department of Foreign Affairs na samantalahin ang oportunidad para igiiit ang karapatan sa teritoryo ng Pilipinas kabilang na ang claim sa Sabah.
Kasunod ito ng French Arbitral Ruling na nag- uutos na bayaran ng Malaysian Govermnment ang Sultan of Sulu kaugnay ng Sabah Lease Deal na aabot sa 14.92 billion dollars.
Sa naturang kautusan, sinabi ng Arbitral court na pag- aari ng Sultan ng Sulu ang Sabah batay sa 1878 Agreement.
Ayon kay Tolentino, final at executory na ang desisyon ng Korte na malinaw na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Sabah.
Sagot ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo , iko- convene nito ang sub committee group kung saan kabilang ang Department of National Defense at Department of Justice para pag-aralan ang legal implication sa soberenya ng bansa hinggil sa claim ng Pilipinas sa Sabah.
Bukod sa isyu ng Sabah claim, nakwestyon ang kalihim kung ano ang ginagawang hakbang sa pag-atake ng European Union at Western countries sa Pilipinas sa isyu ng human rights.
Tugon ni Manalo, kukumbinsihin niya ang United Nations Human Rights Council na ang Pilipinas ay sumusunod sa mga sa kasalukuyang human rights treaties .
Ang meeting aniya ay isasagawa sa Geneva sa susunod na linggo.
Matapos ang mahabang paggisa kay Manalo lumusot ang kaniyang appointment sa C-A.
Inaprubahan rin ng C-A ang Ad interim appointment ng dalawamput tatlong mga opisyal ng Department of Foreign Affairs.
Meanne Corvera