Leonard, nakaiskor ng 34, winning streak ng L.A. Clippers sa NBA lumawig pa
LOS ANGELES, United States (AgenceFrance Presse) – Naka-score ng game-high 34 points si Kawhi Leonard, habang lumawig pa ang season-high NBA win streak ng Los Angeles Clippers sa seven games, sa pamamagitan ng 108-100 victory kontra Oklahoma City Thunder.
Si Leonard ay nakagawa ng siyam na rebounds at walong assists, habang si Ivica Zubac ay nag-ambag naman ng 10 points at 11 rebounds para sa Clippers, na dalawang ulit nang nanalo kontra Oklahoma City sa loob ng tatlong araw.
17 points naman ang nagawa ni Serge Ibaka, si Reggie Jackson ay 14 at si Paul George ay 11.
Pumantay na ngayon ang LA Clippers sa LA Lakers para sa best record sa liga, 13-4.
Si George ay naglaro ng dalawang season kasama ng Thunder, at lumipat sa Clippers bago ang 2019-20 season.
Nag-ambag din ng pitong puntos si Nicolas Batum para sa Clippers.
Sa koponan ng Thunder ay gumawa si Shai Gilgeous-Alexander ng 23 points, seven assists at six rebounds. Nag-ambag naman ng 22 points si George Hill at 14 points si Hamidou Diallo.
Tatlong sunod-sunod na pagkatalo na ang natamo ng Thunder, matapos ma-postpone ang kanilang laro laban sa Philadelphia noong nakalipas na Linggo.
Napigilan ng Thunder ang pangunguna ng Clippers nang maging 102-96 na ang score sa natitirang halos wala nang dalawang minuto, matapos makabuslo si Gilgeous-Alexander ngunit agad na nakabawi ang Clippers, dahil sa dunk shot ni Leonard sa huling 42 segundong natitira sa last quarter.
Hindi naman nakalaro ang forward ng Clippers na si Marcus Morris, dahil sa hindi pa malamang sakit.
Liza Flores