Leptospirosis, hindi lang kidney ang tinatamaan kundi isang multi-organ problem – ayon sa mga eksperto
Sa mga nakalipas na araw ay nagdeklara ang Department of Health o DOH ng outbreak ng Leptospirosis sa halos 30 Barangay sa walong lungsod sa Metro Manila.
Kaugnay nito ay inatasan naman ng DOH ang mga Government hospitals na gawing prayoridad ang pagbibigay ng lunas sa mga hinihinalang dinapuan ng leptospirosis.
May mga ilang mga kababayan tayo na kailangang bigyan ng agarang lunas lalo na ang mga kinakitaan ng mga sintomas ng Renal problems tulad ng hirap sa pag ihi, paninilaw ng mga mata at balat.
Samantala, ayon kay Dr. Helen T. Ocdol, Presidente ng Philippine Society of Nephrology o PSN, maraming mga kababayan natin na inaakala na ang kidney o bato lang naaapektuhan ng leptospirosis, ngunit ang totoo, halos lahat ng vital organ sa katawan ay naaapektuhan kapag ang isang tao ay dinapuan ng leptospirosis.
Dr. Helen T. Ocdol:
“Remember, we mentioned lungs, kasama un, specially ung severe form of leptospirosis, isa lang ung kidney na tatamaan, ung liver kasama dun, it’s actually a multi organ problem, ngayon, depende sa tatamaan na organ, un din ang sintomas ng pasyente”
Samantala, mahigit 450 kaso na ng Leptospirosis ang naitatala sa NCR kung saan 58 na ang namatay.
Ulat ni Belle Surara