Leyte, malaki ang naging pag-unlad makalipas ang 5 taong pananalasa ng super typhoon Yolanda
Malaki ang iniunlad at recovery ng Leyte province, limang taon matapos ang paghagupit ng super typhoon Yolanda.
Ayon kay Governor Leopoldo Dominic Petilla, sa kabila ng marami pang kinakaharap na problema ang kanilang lalawigan, sunud-sunod na Economic growth ang nakamit ng Leyte mula sa recovery sa matinding kalamidad.
Ipinagmalaki ni Petilla ang pagbaba ng poverty rate ng lalawigan sa 7.8 percent, nakapagtala rin ng mataas na investment sa mga munisipyo at umunlad ang peace and order sa kanilang probinsiya.
Sa ngayon isa na lamang ang kanilang pino-problema at ito ay ang hindi matapos-tapos na usapin sa Yolanda housing.
Isa ang Leyte sa mga matinding hinagupit ng super typhoon Yolanda sa Eastern Visayas region noong November 8, 2013 na ikinamatay ng mahigit 6,000 katao.