Leyte Rep. Lucy Torres Gomez, hindi na tatakbo sa Senatorial race sa 2022 elections
Hindi na tatakbo sa Senatorial race si Leyte Representative Lucy Torres Gomez.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, sa halip na sa Senado, nagdesisyon si Representative Gomez na kumandidato bilang alkalde sa Ormoc city.
Papalitan nito ang kaniyang asawa na si Mayor Richard Gomez na nagdesisyon naman na kumandidatong Kongresista.
Sinabi ni Sotto na kinumpirma sa kanila ito ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na umiikot at nakikipagpulong sa mga bubuo sa kanilang partido.
Si Congresswoman Lucy ay nauna nang napaulat na tatakbo sa slate nina Senador Sotto at Ping Lacson pero kabilang rin ito sa Senatorial slate ng PDP-Laban ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Meanne Corvera