LGU’S na matinding tinamaan ng Bagyong Rolly maaaring humingi ng ayudang pinansiyal sa mga ahensiyang may NDRRMF – Malakanyang
Sinabihan ng Malakanyang ang mga Local Government Units o LGUs na matinding hinagupit ng bagyong Rolly na humingi ng ayudang pinansiyal sa mga ahensiya ng pamahalaan na mayroong National Disaster Risk Reduction Management Fund o NDRRMF.
Ito ang tugon ni Budget Secretary Wendel Avisado sa hinaing ng mga opisyal ng mga lalawigan ng Albay at Catanduanes na bigyan sila ng financial assistance dahil ang kanilang quick response at calamity fund ay ubos na.
Sinabi ni Secretary Avisado na makipag-ugnayan lamang sa Office of Civil Defense o OCD para makapag-request sa mga ahensiyang may NDRRMF.
Ayon kay Avisado kabilang sa mga ahensiyang may available pang NDRRMF ay ang Department of Agriculture 1.5 bilyong piso, Department of Education 2.1 bilyong piso, Department of Social Welfare and Development 1.25 bilyong piso, Department of Public Works and Highways 1 bilyong piso, Department of Health 600 milyong piso at National Electrification Administration 100 milyong piso.
Nangko rin si Avisado sa mga LGUs na nasalanta ng kalamidad na tutulong ang national government sa isasagawang rehabilitation program para makabalik sa normal ang buhay at pamumuhay ng mga napinsalang lugar.
Vic Somintac