Liberal Party, inilabas na ang mga pambato sa Midterm Elections….dating Chief Justice Sereno, ikinukunsiderang kasama sa Senate slate
Inanunsyo na ni Liberal Party President Senator Francis Kiko Pangilinan ang unang anim na miyembro ng tinagurian nitong Resistance coalition para sa 2019 Senatorial elections.
Kinabibilangan ito nina Sen. Bam Aquino, datint Quezon Rep. Erin Tanada, FLAG chairman Chel Diokno, Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, at dating Akbayan party-list Rep. Barry Gutierrez.
Ayon kay Pangilinan, hindi umano matatawaran ang galing at mga karanasan sa paglilingkod sa bayan ng kamilang mga kandidato.
Kasama aniya sa kanilang ikinukunsidera sa koalisyon ang napatalsik na si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang aktres na si Agot Isidro.
Ulat ni Meanne Corvera