Liberal party members, naubos sa Senado
Tuluyan nang malalagas ang Liberal party sa Senado dahil sa napipintong pagtatapos ng termino nina Senador Leila de lima, Franklin Drilon at Kiko Pangilinan sa June 30.
Si de lima ay nabigong makaulit sa Senado dahil rank 23 lang siya sa halalan habang pang-22 naman si outgoing Senador na si Dick Gordon.
Ang Chairman ng partido na si VP Leni Robredo at Presidente na si Kiko Pangilinan, parehong natalo sa pambansang halalan.
Si Drilon ay nakatakda namang magretiro sa pulitika.
Sa nakalipas na 24 taon, nagkaroon ng representasyon ang partido sa Senado.
Ngayong iisa na lang ang oposisyon, tila nagiging posible ang pagtatatag ng supermajority sa administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos.
Meanne Corvera