Liberal Party tiniyak na bubusisiin ang batayan ng Pangulo sa limang buwang extension ng Martial Law

Hinimok ng Liberal Party ang mga mambabatas na busisiing mabuti ang mga batayan na inilatag ni Pangulong Duterte sa hirit nitong limang buwang Martial law extension sa Mindanao.

Sa inilabas na statement ng LP, tiniyak nito na kikilos ang mga miyembro ng partido para alamin kung bakit kailangang tumagal ng limang buwan ang pagpapalawig sa Martial Law at bakit kailangang gawin ito sa buong Mindanao.

Aalamin din aniya nila ang mga kapangyarihan na maaring ipatupad ng Pangulo sa panahon ng Martial Law maliban sa kapangyarihang itinatakda ng saligang batas.

Nais rin ng LP na pagpaliwanagin ang militar kung nananatili pa ang rebelyon na isa sa mga batayan ng pagdedeklara ng Martial Law.

Sa Sabado nakatakda ang special session sa Kamara na ayon sa Liberal Party, tiyak na dadaan sa mahabang debate ang hirit ng Pangulo.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *