Liberation ng Marawi City itinakda ng militar sa June 12

Courtesy of Wikipedia.org

Target ng militar na tuluyang mabawi sa kamay ng mga teroristang Maute group ang Marawi City sa Lunes June 12 kasabay ng pagdiriwang ng ika-119 na anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas.

Sa regular Mindanao Hour sa Malakanyang sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na tatlong barangay na lamang ang nananatiling hawak ng teroristang Maute group.

Ayon kay Padilla humina na rin ang resistance ng mga terorista sa pagpapatuloy ng isinasagawang clearing operations ng militar sa Marawi City.

Inihayag ni Padilla na sa June 12 ay itataas ang bandila ng Pilipinas sa lahat ng sulok ng Marawi City bilang simbolo ng kalayaan ng mga residente sa kamay ng mga teroristang Maute Group.

Samantala nilinaw ni Padilla na kahit mapalayas na ang teroristang Maute group sa Marawi City ay hindi pa rin mairerekomenda ng militar kay Pangulong Duterte na alisin na ang bisa ng Martial Law sa Mindanao dahil hindi pa rin naaaresto ang mga lider ng teroristang grupo kasama ang kanilang mga supoorters.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *