Libo-libo lumikas dahil sa wildfire sa Tenerife island sa Spain
Nahirapan ang mga bumbero na kontrolin ang malaking wildfire sa Spanish holiday island ng Tenerife, sanhi upang mapilitang lumikas ang libo-libong tao.
Sumiklab ang sunog noong Martes at naglagablab sa isang magubat na lugar na may matarik na bangin sa hilagang-silangang bahagi ng isla, na bahagi ng kapuluan ng Espanya sa baybayin ng hilagang-kanluran ng Africa.
Sinabi ng chief commissioner ng police force na si Luis Santos, “The blaze has so far ravaged over 3,200 hectares (7,900 acres) of land. It is a complicated fire, with an unusual behaviour.”
Ayon sa regional government, may 3,000 residente sa lugar ang inilikas at humigit-kumulang 4,000 iba pa ang inatasan namang manatili sa loob ng bahay dahil sa hindi magandang kalidad ng hangin.
Sinabi naman ni Fernando Clavijo, regional head ng archipelago, “This is probably the most complex fire we’ve ever had in the Canary Islands in at least the past 40 years. The extreme heat and weather conditions… is making the work harder.”
Humigit-kumulang 400 mga bumbero at mga sundalo na suportado ng 17 water-dropping planes at helicopters, ang pinakilos upang apulahin ang sunog na nagbabanta sa anim na mga munisipalidad.
Sa isang mensahe sa social media, sinabi ni Prime Minister Pedro Sanchez, “I express my solidarity with the people affected by the wildfire in Tenerife, especially those who had to be evacuated. I would like to thank, once again, all the personnel for the tireless work they are doing and for their enormous professionalism in the fight against the fire.”
Samantala, nagtayo na ang regional government ng apat na shelters para sa mga taong lumikas mula sa kanilang tahanan.
Dahil din sa sunog ay isinara na ng lokal na awtoridad ang daan patungo sa Mount Teide volcano, pangunahing tourist spot at highest peak sa Spain.
Ang wildfire ay nangyari makaraang tamaan ang isla ng isang heatwave na naging sanhi ng panunuyo ng maraming mga lugar.
Habang tumataas ang pandaigdigang temperatura dahil sa pagbabago ng klima, nagbabala ang mga siyentipiko na ang mga heatwave ay magiging mas madalas at matindi, na may mas malawak na epekto.
Ngayong taon, mahigit 71,000 ektarya na ang natupok ng apoy sa Spain.