Libong katao sa India na-displace dahil sa mga pagbaha at landslides

Khowai district, Tripura, India, August 23, 2024. REUTERS/Jayanta Dey

Dalawampu’t tatlo katao ang namatay at mahigit sa 65,000 naman ang napilitang lumikas sakay ng lifeboats, sa tulong ng mga sundalo sa northeastern state ng Tripura, makaraang magdulot ng mga pagbaha at landslides ang malakas na mga pag-ulan sa lugar.

Maraming mga kotse at bus ang sumadsad sa mga lansangan na hanggang tuhod ang baha, at sinabi naman ng disaster management officials na umapaw na ang mga ilog dahil sa apat na araw na tuloy-tuloy na buhos ng ulan.

Ayon sa isa sa disaster management officials na si Suman Deb, “As of this morning, most rivers are flowing below the critical mark. However, the river Gomti still continues to flow above the danger mark,” na ang tinutukoy ay ang main river ng estado, na dumadaloy sa distrito ng Comilla sa katabi nitong Bangladesh at patungo sa Bay of Bengal.

Ang mga na-displace naman ay tinipon sa 450 camps, na ang kabuuang naapektuhan ay umaabot sa 1.7 milyon, kasama na ang pinsala sa mga imprastraktura, mga pananim at mga hayupan.

Sinabi ng isa pang opisyal mula sa disaster management na ayaw magpabanggit ng pangalan, na karamihan sa mga namatay ay sanhi ng landslides, habang ang ilan ay dahil sa pagkalunod at pagguho ng mud walls.

Rescuers from Tripura Disaster Management Authority evacuate flood-affected people to a safer place following heavy rains at a village on the outskirts of Agartala, India, August 22, 2024. REUTERS/Jayanta Dey/File Photo

Ayon sa Indian Army, mahigit sa 80 ng kanilang mga tauhan ang sumama sa rescue efforts, kung saan nailigtas nila ang 334 kataong na-stranded ng baha.

Sa Dhaka, kapitolyo ng Bangladesh, may ilang kataong nagsabi na kaya bumaha ay dahil sa binuksan ang Dumbur dam sluice gates sa Gomti ng Tripura sa India na itinanggi naman ng New Delhi.

Ayon sa disaster management ministry, ang bilang ng mga namatay mula sa pagbaha ay tumaas sa 13 sa Bangladesh, at may higit sa tatlong milyong katao ang na-stranded.

Sinabi ng mga opisyal, na ilang villages, fish farming enclosures, at crop fields sa coastal Khulna district ang nalubog sa baha makaraang gumuho ang river embankments dahil sa high tides, na-isolate naman ang mga tao dahil sa mga kalsadang hindi maraanan at nagpahirap din sa rescue at relief efforts.

Mahigit sa 75,000 katao ang dinala sa mahigit sa 1,500 shelters sa mga distritong binaha, kung saan ayon sa mga awtoridad ay tumutulong na rin ang militar at border guards sa rescue operations.

Bumulwak ang tubig-baha sa mga distrito ng Feni, Moulvibazar at Noakhali kung saan nalubog ang mga kalsada at gumamit na ng mga lubid para hilahin ang mga na-stranded at maisalba.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *