Libreng dengue immunization program ipagkakaloob sa apat na siyudad
Palalawakin ng DOH ang coverage ng kanilang dengue immunization program na ipinagkakaloob ng libre.
Makakakakuha na ng libreng dengue vaccination ang mga batang edad 9 hanggang 14 na taong gulang sa apat na siyudad sa Metro Manila.
Kabilang dito ang Q.C., Caloocan, Manila at Makati.
Ayon kay Dr. Rhodora Cruz, head ng DOH, National Dengue Prevention and Control Program, maaaring magpunta ang mga naturang bata sa health centers o city health offices ng nabanggit na mga siyudad.
Ibinibigay ang bakuna sa tatlong magkakahiwalay na doses, tuwing ika anim na buwan.
Sinabi ni Cruz na pinili nila ang apat na siyudad dahil nakapagtala doon ng mataas na kaso ng dengue kung saan may tatlumpu at lima ang namatay.
Ulat ni: Anabelle Surara