Libreng Insurance sa mga atletang Pinoy, isinulong sa Senado
Isinusulong ni Senador Lito Lapid na mabigyan ng libreng insurance coverage ang mga atletang Pinoy.
Ito’y bilang pagbibigay ng parangal at suporta sa mga atletang Pinoy lalo na ang mga sumasabak sa mga International Sports competition.
Sa Senate Bill 1152, o Professional Filipino Athletes Insurance Benefits Act, masasakop ng Insurance benefits ang medical expenses, travel insurance at death benefits ng mga professional Filipino athletes.
Sakaling maaprubahan, isasama ito sa mga programa ng Games and Amusement Board at Philippine Sports Commission para mapondohan sa General Appropriations Act.
Sa isasagawang 30th Southeast Asian Games, aabot sa 1,115 ang mga kalahok na atletang Pinoy habang 753 ang mga coaches na pinakamalaking delegasyon sa Sea Games.
Ulat ni Meanne Corvera