Libreng mga Bota, ipinamahagi ng City Gov’t of Biñan Laguna sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.
Namahagi ng mga libreng bota ang City Government of Biñan Laguna para sa mga residenteng naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng nagdaang bagyong ulysses sa bansa.
Pinangunahan ito ng lahat ng mga opisyal mula sa Biñan City katuwang ang mga opisyal mula sa barangay dela paz.
Nasa 1,000 mga bota ang kanilang ipinagkaloob sa mga residente na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa mga evacuation center.
Ayon sa mga opisyal ng Biñan City LGU, isinagawa nila ang pamamahagi ng mga bota para maiwasan ng mga residente sa kanilang lugar na lumusong sa tubig baha.
Makakatulong din aniya ito para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na leptospirosis.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa mga ipinagkaloob na bota sa kanilang lugar ng mga opisyal mula sa kanilang lungsod.
Ulat ni Arnel Aleroso