Libreng rapid antigen testing isinagawa sa Subic
Nagsagawa ng libreng rapid antigen sa Rural Health Unit ng bayan ng Subic, batay sa panukala ng Provincial Government ng Zambales, at sa pakikipagtulungan ng alkalde ng Subic.
Ayon kay Dr. Nadjimin Ngilay, OIC-Municipal Health Offficer, layunin nito na makatulong sa essential workers na dumaraan sa border ng Subic, sa dahilang naghihigpit dito sanhi ng banta ng Delta variant.
Umabot sa 203 ang bilang ng essential workers na sumailalim sa rapid antigen test, kung saan pito sa kanila ang nag-reactive.
Ayon kay Dr. Ngilay, maghihintay sila ng direktiba mula sa Provincial Government kung magpapatuloy ang ganitong proyekto, dahil kailangang malaman talaga kung sinu-sino ang may dala ng virus.
Nagbigay din sila ng mensahe sa publiko na patuloy na sundin ang minimum public health standard and protocols, ugaliin ang physical distancing kahit sa kanilang mga trabaho, kung may nararamdang sintomas ay agad silang mag-isolate, at agad na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.
Patricia May Balaoing