Libreng sakay sa MRT, LRT at PNR ng mga bakunadong APOR, tuloy hanggang Aug. 31, 2021
Pinalawig pa hanggang Agust 31, 2021 ang libreng sakay ng MRT, LRT-2 at Philippine National Railways (PNR) sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APOR) kahit pa ibinaba na sa Modified ECQ ang Metro Manila.
Ayon sa pamunuan ng MRT, LRT-2 at PNR, kailangan lamang iprisinta ng APOR ang kanilang vaccination card atvalid ID sa securiry guard o station staff.
Maaari namang makasakay ang mga may unang dose na ng bakuna basta’t ipakita lamang ang katunayan na sila ay APOR gaya ng Certificate of Employment, PRC ID o company ID.
Sa MRT, ang oras ng free ride ay tuwing alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga, at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Habang sa LRT-2 naman, may libreng sakay tuwing alas- 5:00 hanggang alas-7:00 ng umaga at alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Sa datos ng DOTr, umabot sa higit isang milyong pasahero ang nasama sa libreng sakay program ng railway transport sa nakalipas na pagpapatupad ng ECQ o mula August 6 hanggang 20.