Libreng serbisyo sa mga nasiraan ng sasakyan sa kalsada, inilunsad sa Taguig City

Sa pamamagitan ng Traffic Management Office-City of Taguig and Mobility Office, inilunsad ang pilot testing phase ng REACT, ang Roadside Emergency Assistance sa Lungsod ng Taguig.

Ang inisyatiba na ito ay naglalayong tugunan ang mga nasiraan ng sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa pamamagitan ng pagbibigay ng maagap at mahalagang tulong sa mga naapektuhang motorista .

Ang programa ay nag-aalok ng mga Libreng serbisyo upang tulungan ang mga motorista sa mga emergency sa tabing daan.

Tulad na lamang ng paghila sa sasakyan sa mga lugar na sakop ng nasabing lungsod, jump-start ng baterya, pagpapalit ng flat na gulong at trouble shoot sa bahagyang aberya ng makina.

Para naman sa mga pangunahing isyu sa mekanikal, ibibigay ang referral sa pinakamalapit na ” talyer “.

Maaaring humiling ng tulong ang mga motorista sa pamamagitan ng mga sumusunod na channel:

Command Center Hotline: (02) 8789-3200 Mga Hotline ng TMO:
Landline: (02) 8640-7006
0929-631-5924
0977-311-6359

o sa Facebook sa pamamagitan ng Traffic Management Office-City of Taguig page.

Maaaring maka-avail ng mga serbisyo ang mga residente ng Taguig at hindi taga-Taguig hangga’t nasa loob ng Lungsod ang kanilang tumirik na sasakyan.

Ang pagpapatupad ng programang REACT ay binibigyang-diin ang patuloy na pagsisikap ng Lungsod na bumuo ng mga inisyatiba na inuuna ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga mamamayan.

Lawrice Ynna ALgo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *