Libreng Technical Vocational Education, isusulong sa Senado
Isusulong ni Senador Joel Villanueva ang pagpapasa ng libreng Technical Vocational Education.
Ayon kay Villanueva, maaari itong gawin alternatibo ng gobyerno para mapag aral ang mga mahihirap.
Nakapasa na sa third at final reading sa Kamara ang Senate Bill No. 1432 o Tulong Trabaho Act pero nakapending pa ito sa Kamara.
Layon ng panukalang batas na masolusyunan ang malaking gap sa unemployment sa pamamagitan ng libreng Tech Voc training sa mga mahihirap at mga walang trabaho.
Ang trabaho fund ay maaring kukunin sa taunang General Appropriations Act.
Sabi ni Villanueva mas pipiliin ng mga mahihirap na estudyante ang Tech Voc courses sa halip na bunuin ang apat na taong kurso lalo at wala silang sapat na financial support.
Ulat ni: Mean Corvera