Libreng training ipinagkaloob ng NGCP
Nasa 11,000 indibidwal na mula sa 353 barangay at 2 unibersidad ang nabigyan ng libreng training kaugnay sa paghahanda sa mga sakuna at kalamidad.
Mula noong 2017 nang ilunsad ng National Grid Corporation ang Disaster Risk Reduction Training kasama ang A2D project sa mga barangay ng mga probinsiyang madalas tamaan ng mga bagyo tulad ng Isabela, Ifugao, Quirino, Cagayan, Nueva vizcaya, Camarines sur, Leyte, Samar, Southern Leyte, Sorsogon at Surigao del norte.
Nabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga lokal na lider at mga residente sa tamang pagtugon sa mga kalamidad at sakuna.
Sumailalim din ang mga ito sa mga training program alinsunod sa itinatakda ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management act of 2010 kabilang na ang paggawa ng mga hazard risk assessment.
Ilan sa mga sumailalim sa Disaster Risk Reduction and Management training ay mga residente na naunang tinamaan na ng mga bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.
Alinsunod sa direktiba nina Henry Sy Jr. at Robert Coyiuto Jr.
Bukod sa pagsasaayos ng transmission facilities ng bansa tumutulong din ang NGCP sa pagsasaayos ng mga barangay Disaster Risk Reduction and Management Committees at pagbuo ng contingency plans, communication protocols at evacuation processes.