Libreng washable facemask ipinamahagi sa mga Senior Citizens ng Quezon City
Halos nasa 70,000 mga washable facemask ang ipinamahagi ng libre sa mga Senior Citizens ng Quezon City.
Ang naturang panlaban sa virus para sa mga senior citizen ay donasyon mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry-Quezon City (PCCI-QC).
Nasa 300,000 mga nakatatanda sa 142 barangay ng lunsod ang nakatanggap ng washabale facemask.
Samantala, nakasaad sa IATF-EID Omnibus Guidelines, maaaring lumabas ng bahay ang mga Senior Citizens sa ilalim ng General Community Quarantine para sa pagkuha ng essential goods at services, at sa trabaho sa mga pinapayagang industriya, kasama na rito ang pagtitinda.
Tandaan, #WearAMask tuwing lalabas ng bahay para labanan ang banta ng COVID-19.
Belle Surara