Libreng Wifi inilunsad na sa Quezon City
Inilunsad na kanina ng Quezon City government at isang pribadong kumpanya ang libreng Wifi connection sa Don Antonio at kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ayon kay Leo San Miguel ng Airlight Technology solutions
magkakaroon ng libreng access sa internet na tatagal ng 30 minuto kada araw ang mga residente at dumadaang motorista
Layon nitong makatulong sa mga residenteng mahihirap na gustong magnegosyo sa pamamagitan ng social media pero walang pambili ng load o data.
Mismong ang United Nations Human Rights Commission ang nagsabing ang internet ay bahagi ng ng basic services ng isang indibidwal gaya ng pabahay at libreng edukasyon.
Plano ng Local government na gawin itong citywide.
Makakatulong aniya kasi ito para bawasan ang korapsyon na nangyayari kapag mahaba ang pila o personal transactions sa cityhall.
Sa internet kasi magagawa na ang transaksyon gaya ng pagkuha ng business permit at iba pang serbisyo.
Ulat ni Meanne Corvera