Libro tungkol sa history ng Ferrari

 

Ang $30,000 ay hindi nyo pwedeng ipambili ng isang bagong Ferrari, pero sapat ito para ipambili ng limited edition book tungkol sa history ng iconic sports car brand.

Kasama ng libro ang isang beautifully sculptured steel and chrome book stand, at isang aluminum display case para sa maituturing na “incredibly rare book.”

Ang libro na may simpleng pamagat na “Ferrari,” ay naglalaman ng napakaraming larawan mula sa ferrari archive at private collectors, na nagkukuwento ng kasaysayan ng luxury Italian brand.

Sa kabuuan ay 1,947 libro ang ipagbibili, subalit 250 lamang sa mga ito ang may $30,000 price tag.

Inilathala ng Taschen, ang hand-stitched Ferrari book ay may 514 pages, may minimalistic cover design kung saan feature ang iconic prancing horse logo ng Ferrari sa isang racing red background.

Lahat ng 1,947 copies ay may lagda ni Piero Ferrari, ang Vice-Chairman at siya na lamang nalalabing buhay na anak na lalaki ng founder na si Enzo Ferrari, habang ang 250 ultra-exclusive copies ay meron pang lagda ni John Elkann, ang kasalukuyang Chairman at ni Sergio Marchionne, na dating CEO ng kumpanya.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *