Libu-libo nagmartsa sa Brussels para sa climate change
Libu-libong protesters ang nag-martsa sa Brussels upang i-demand ang agarang aksiyon laban sa climate change, habang nagtitipon ang lider ng mga bansa sa COP28 sa United Arab Emirates.
Ang “No to climate change, yes to system change” at “We want a liveable and healthy planet” ang ilan sa mga slogan na nakasaad sa poster at placard.
Tiniis ng mga nagpoprotesta ang malamig na temperatura sa Belgian capital, sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng drums at iba pang musical entertainment kasunod ng panawagan ng Climate Coalition, na dinaluhan ng 90 civil society organisations.
Ayon sa organisers, 25,000 katao ang dumalo habang sa pagtaya ng pulisya ay 20,000 lamang.
Sinabi ni Climate Coalition president Nicolas Van Nuffel, “This march isn’t taking place on any date, it’s happening at the start of COP28… we really need international negotiations to move forward. We’re in the street with very concrete demands so that we speed up home insulation, increase cycle paths and reinvest in public transport.”
Marami sa mga demonstrador ang nagpadala ng mensahe sa political leaders, at isa rito ang mag-aaral na si Nienke na nagsabing, “my future is in danger and I really want to live in a safer world… I feel so stressed by what will happen to our planet.”
Sinabi naman ng isang pensioner na nagngangalang Agnes, “I felt that relying on politicians was no longer the answer. They have not been doing what they should be doing for years… There is no planet B.”