Libu-libo tumakas patungo sa India sa gitna ng matinding labanan sa Myanmar
Mahigit sa dalawang libong katao ang lumikas mula sa Myanmar at tumawid sa katabing northeastern India, dahil lumawak na ang mga opensiba laban sa limitar.
Sa ulat ng Press Trust of India (PTI) news agency, mahigit sa 2,000 Myanmar citizens mula sa western Chin state ang tumawid sa Mizoram state ng India simula pa noong Lunes, kung saan hindi bababa sa 17 katao ang dinala sa ospital dahil sa kanilang mga sugat.
Halos 50,000 katao na ang na-displace ng mga labanan sa northern Myanmar, makaraang maglunsad ng opensiba ang isang alyansa ng ethnic armed groups laban sa junta dalawang linggo na ang nakalilipas ayon sa United Nations.
Banggit ang government statistics, iniulat ng PTI, na ang Mizoram ay naging tahanan na ng mahigit sa 30,000 Myanmar nationals.
Ang unang grupo ng mga refugee, na kinabibilangan ng mga pulis at sundalo ay tumakas patungo sa Mizoram nang tumindi ang karahasan noong 2021.