Libu-libong empleyado, nanganganib mawalan ng trabaho kung ipapasara ang Boracay

Tinatayang nasa 30,000 empleyado ang nanganganib mawalan ng trabaho sakaling ipasara ng pamahalaan ang isla ng Boracay.

Ayon sa Malay local government, kabilang sa mga maaapektuhan ang mga nagtatrabaho sa mga hotel sa isla.

Sa kabila nito, aminado ang lokal na pamahalaan na wala silang maibibigay na alternatibong trabaho sa mga posibleng mawalan ng hanapbuhay.

Ipinauubaya na ng LGU sa National government ang pagkakaloob ng trabaho sa mga nasabing empleyado.

Samantala, simula sa Hulyo ay ipatitigil na ang pagpapatayo ng mga bagong istruktura sa Boracay at aayusin ang baradong drainage sa pangunahing tourist destination sa Pilipinas.

 

==============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *