Libu-libong faculty workers sa York University sa Canada nagwelga
Tinatayang 3,000 mga empleyado ng York University, isa sa pinakamalaking unibersidad sa Ontario, Canada ang nagsasagawa ng welga makaraang mabigo na magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng paaralan at ng unyon na kumakatawan sa faculty members, graduate assistants at part-time librarians.
Sinabi ng union spokesperson na si Erin McIntosh, “Basic needs like housing and food have skyrocketed in price, but the wages for people who do the majority of teaching at York have been falling further and further behind.”
Ani McIntosh, ”York University’s offer is ‘far below’ the rising cost of living. Who can afford to work at York anymore?”
Ayon naman sa isang tagapagsalita ng York University, may inialok na proposals sa unyon na anila’y kinabibilangan ng pagtaas sa pay rates, subali’t wala aniyang tugon dito ang unyon.
Lunes pa nagsimula ang picket lines matapos iwan ng mga manggagawa ang kanilang mga trabaho, sanhi upang makansela ang mga klase nang walang tiyak na panahon kung kailan babalik. May ilang klase na pansamantalang ginawang online upang ma-accomodate ang mga estudyante.
Ilan sa mga mag-aaral ang nagpahayag ng pagkabalisa sa nangyaring walkout. Sinabi ng mga graduating na nakararamdam sila ng “kawalang katiyakan” kung sila ba ay makapagtatapos o hindi sa takdang panahon, dahil sa ‘indefinite terms’ ng welga.
Sinabi ni McIntosh, “We don’t want to be in this position, but things are at a breaking point. The university needs to get serious about bargaining in a way that addresses the issues of affordability and equity.”