Libu-libong mga school supplies at health kits, ipinamahagi sa mga paaralan sa Trece Martires city, Cavite
Namahagi ang Pamahalaang Panglunsod ng Trece Martires, Cavite ng nasa 47,000 piraso ng expanded plastic envelopes, thermal scanner, pedal alcohol dispenser para sa bawat paaralan at mga health kits na naglalaman ng washable face mask, faceshield, hand sanitizer at ferrous sulfate para naman sa mga guro sa lungsod.
Ito ay bilang tulong ng lokal na pamahalaan sa lahat ng mga pampublikong paaralaan kasama na ang mga guro na patuloy na nagbibigay ng serbsiyo para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Ayon kay Trece Martires Cavite Mayor Gemma Lubigan, pagkakataon na din ito upang makita ang kalagayan ng mga eskuwelahan at makumusta ang mga mga guro sa kanilang bayan.
Ang hakbang ay bahagi din aniya ng pagdiriwang sa World Teacher’s month ngayong Oktubre.
Jet Hilario