Liderato ng Senado, tiniyak na mararatipikahan ang pambansang budget bukas

 

Bigo ang Kamara at Senado na ratipikahan ang panukalang 3.7 Trillion General Appropriations Bill.

Dahil dito, napagkasunduan ng dalawang kapulungan na magsagawa ng sesyon bukas para maisalang ang panukala bago ang kanilang tatlong buwang recess.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto, sa caucus ng mga Senador kagabi, inireport ni Finance committee chairman Loren Legarda na mananatili ang bilyon bilyong pisong pork insertions sa budget sa kabila ng pagtutol ni Senador Panfilo Lacson.

Sinabi ni Sotto na muling mag-uusap ang Bicam panel bukas ng umaga para rebyuhin ang ginawang mga amyenda at pirmahan ang report.

Batay aniya ito sa nabuong compromised agreement nina Legarda at House Appropriations committee chairman Rolando Andaya.

Kasama sa napagkasunduan sa Bicam na i-retain ang mga institutional amendments ng Senado gaya ng 20 billion augmentation sa budget ng Department of Health.

Pagtiyak ni Sotto, oras na malagdaan ito bukas, isasalang na sa ratipikasyon sa ipinatawag na sesyon sa ganap na alas ng hapon at maipadala na ang kopya sa Pangulo.

Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *