Liderato ng Kamara hiniling sa gobyerno na gamitin na ang contengency funds para iligtas ang mga pinoy sa Israel
Ang kaligtasan ng mga filipino na naiipit sa digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group sa Gaza Strip ang pangunahing concern ngayon ng pamahalaang pilipinas…
Hiniling ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gamitin na ang contengency funds ng gobyerno para tulungan at iligtas ang mga pinoy na naiipit ngayon sa digmaang nagaganap sa pagitan ng Israel at Hamas militant group.
Sinabi ni House Deputy Majority Leader Janet Garin nakapaloob sa 2023 National Budget ang contengency funds ng gobyerno na nagkakahalaga ng 13 billion pesos.
Inihayag ng mambabatas kailangang maglatag ang pamahalaan ng economic plans kung papaano matutulungan ang mga Pinoy na mawawalan ng trabaho na babalik sa bansa dahil sa kaguluhan sa Israel.
Batay sa report bagama’t nagkakaroon ng problema ang mga opsiyal ng Department of Foreign Affairs o DFA, Department of Migrant Workers o DMW at Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa pagkontak sa mga mga pinoy sa Gaza Strip patuloy na hinahanap ang sinasabing mga unaccounted mula ng sumiklab ang giyera.
Handa naman ang Liderato ng Kamara na tulungan ang Executive Department kung sakaling kulangin ang pondo para sa pagliligtas sa mga Pinoy sa Israel sa pamamagitan ng pagpapatibay ng supplemental budget.
Pahayag ni Deputy Majority Leader Janet Garin;
“The government may use the contingency funds to assist the Filipinos in Israel after Palestinian Islamist Group Hamas launched an attack last saturday.
Contingent fund may be used for their repatriation and generate jobs for affected Filipinos.
The government must come up with economic plans to cushion their abrupt termination of work and contingency funds are necessary for emergency situations.
We urged the Department of Foreign Affairs (DFA) and Department of Migrant Workers (DMW) to secure the safety of the Filipinos in Israel and it must be the government’s primary concern.
The Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) stated that it is closely monitoring the circumstances of 24,807 Filipinos in Israel.
Vic Somintac