Liderato ng Kamara pumalag sa paraan ng pagtrato sa grupo nina ACT Teacher Rep. France Castro  

Lahat ng myembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay dapat umanong bigyan ng karespe-respetong pagtrato.

Ang pahayag ay ginawa ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kasunod ng pagkakaaresto kina ACT Teacher Rep France Castro at dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo sa Davao Del Norte.

 Ayon kay GMA, ang isang kinatawan ng Kongreso ay halal ng taong bayan kaya naman karapat dapat itong itrato ng may pagrespeto.

Ipinaalala ni GMA ang prinsipyo ng Presumption of Innocence sa kaso ng kinatawan ng ACT Teacher Partylist na inaresto at sinampahan ng mga kasong kriminal.

Umapila rin si GMA ng mabilis na pagresolba sa mga kasong kinakaharap nina Castro.

Sina Castro, Ocampon at iba pa ay kinasuhan ng Human Trafficking at Kidnapping matapos maaresto sa Talaingod, Davao del Norte dahil sa pagtransport ng Lumad students ng walang kaukulang dokumento o parents consent.

 

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *