Liderato ng Kamara susuportahan ang mga legislative agenda ng BBM administration
Tiniyak ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na susuportahan ang mga isusulong na panukalang batas ng Marcos administration sa pagbubukas ng 19th Congress.
Ito ang inihayag ni presumptive House Speaker Martin Romualdez matapos manawagan si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ng kooperasyon sa Kongreso para maisulong ang mga programa ng kanyang administrasyon sa harap ng pandemya ng COVID-19.
Tiwala rin si Romualdez na magiging isang mahusay na Pangulo si PBBM kaakibat ng mandatong ibinigay sa kanya ng nakararaming Pilipino noong nakalipas na eleksiyon.
Sinabi ni Romualdez hangad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang lahat ng kabutihan para sa bagong Pangulo lalo ngayon na nahaharap sa mabigat na hamon ang bansa mula sa pagbangon sa epekto ng pandemya.
Inihayag ni Romualdez na maganda ang luyunin ni PBBM na isulong ang pagkakaisa ng sambayanang pilipino para sa magandang kinabukasan ng bansa.
Vic Somintac